PAGHAHANDA | Bureau of Immigration, magtatalaga ng 100 tauhan sa NAIA at iba pang paliparan

Manila, Philippines – Magtatalaga ang Bureau of Immigration (BI) ng 100 immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga biyahero.

Ang mga bagong empleyado partikular ang mga may ranggong immigration officer 1 ay nagsimula na ng kanilang dalawang buwang training sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.


Pagkatapos ng training, sasailalim ito sa isang buwang job training sa mga paliparan at sa main office ng B-I.

Ang B-I management information systems division office ay nakatakdang simulan ang pagpapatayo ng karagdagang work station sa immigration arrival at departure areas ng NAIA terminal 3 kung saan maraming international flights.

Facebook Comments