Manila, Philippines – Ikinakasa na ng Komisyon sa Wikang Pilipino ang Buwan ng Wika sa susunod na buwan Agosto kung saan ay magsasagawa ng pulong balitaan ang naturang komisyon bukas na gaganapin sa General Luna Street Intramuros Manila.
Ayon kay Komisyon sa Wikang Pilipino Spokesperson Wilbert Lamarca sa Kapihang Wika Press Conference na gaganapin bukas, Hulyo 26, 2018, ganap na alas 10 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali sa Pambansang Komisyon para sa kultura at mga sining, sa 633 General Luna Street, Intramuros, Lungsod Maynila.
Layon ng Kapihang Wika na mailahad sa publiko ang mga programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2018.
Paliwanag ni Lamarca na makakasama sa naturang Kapihan si National Artist Virgilio S. Almario na maglalahad ng estado ng wikang Pilipino sa saliksik.
Umaasa ang komisyon sa positibong tugon ng publiko sa patuloy na pakikiisa at pagtangkilik sa mga gawaing pangwika ng Komisyon sa Wikang Pilipino upang malaman na rin ang tamang paggamit ng wikang Filipino.