Manila, Philippines – Kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) para pangasiwaan ang pag-aangkat ng isda, manok at pork bilang paghahanda sa holiday season.
Ito ay para maiwasan ang kakulangan ng supply at posibleng epekto sa presyuhan.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, makikipagpulong siya sa mga stakeholder sa Biyernes, August 10 para pag-usapan ang dami o volume ng kakailanganing karne ng baboy at galunggong aangkatin.
Dagdag pa ni Piñol, kokonsulta rin siya sa hog suppliers kaugnay sa magiging presyo ng pork lalo at inaasahang mag-aangkat ng dagdag na 8,000 hanggang 10,000 metrikong toneladang karne ng baboy.
Ikinukunsidera rin ang pag-export ng poultry at beef pero hindi naman aniya ito prayoridad dahil sa madaling importation process para sa poultry at mababang tariff rates para sa beef.