PAGHAHANDA | Dalawang bagong sparring mates ni Manny Pacquiao, dumating na sa GenSan

Todo paghahanda na ang ginagawa ng team ni Manny Pacquiao para sa nalalapit nitong laban kay Lucas Matthysse na gaganapin sa July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa katunayan, dalawang bagong sparring mates ni Pacquiao ang dumating kahapon sa Wild Card Gym para tulungan ang Pambasang Kamao sa pagsasanay nito.

Excited na sina Jeric Chavez na taga-Cebu, at Raymond Yanong na tubong Negros Occidental na maging spar mates ni Pacquiao kung saan sila ang papalit sa dalawang naunang spar mates na sina Ricky Simundo at Arnel Tinampay.


Kahapon ay pahinga ni Pacquiao sa sparring sessions pero sumabak ito sa 10 rounds ng spar mitts at iba pang training routines kasama si Head Coach Buboy Fernandez.

Kasama naman ng Team Pacquiao si Jeric Tipura at ang Chinese na si Liu Bin, na parehong may undercard fight sa nasabing laban ni Pacquiao.

Facebook Comments