Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang mga paghahanda para sa mga nagsipagtapos na Grade 12 students na sasabak na sa tinatawag na “real world”
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, may mga isinasagawang job fair upang umagapay sa mga senior high school students para makapasok sa tinatarget nilang kumpanya o trabaho.
Base kasi sa calender of school of activities ng DepEd itinalaga ang April 2-6 na petsa para sa pagtatapos ng mga Grades 6 at 12.
Samantala para naman sa mga estudyante na nais paring ipagpatuloy ang kanilang kolehiyo sinabi ni Mateo na ginagabayan parin nila ang mga ito.
Sa katunayan mayroon silang career guidance counselling at paghahanda para sa college examination kung saan hinahayaan ang mga estudyante na pumili ng kursong nais nilang tapusin sa kolehiyo at kung saan silang kurso na mas malakas o mas magaling para tyak aniya na magkakaroon sila ng trabaho pagkatapos ng kanilang pag aaral sa kolehiyo.