Manila, Philippines – Nakahanda na ang emergency equipment ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operation Head Bong Nebrija, maayos ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaang.
Aniya, sakaling bumaha sa ilang kalsada sa Metro Manila ay mabilis itong huhupa dahil gumagana ang mahigit 50 pumping station basta at hindi ito mahaharangan ng tone-toneladang basura.
Sabi naman ni MMDA Road Emergency Group Head Edwin Gonzales, aabot sa 60 emergency personnel ang naka-standby para magbigay ng assistance sa publiko.
Naka-standby na rin aniya ang pitong ambulansya, dalawang trucks, dalawang military trucks, dalawang fire trucks at isang boom truck.
Maliban rito, nakaantabay na rin ang pitong chainsaws na gagamitin sa mga punong posibleng matumba sa mga kalsada, ang kanilang manlift, extrication equipment at rubber boats.
Kasabay nito, pinaalis na rin ng MMDA ang mga billboard sa ilang kalsada sa Metro Manila para hindi ito makapinsala.