PAGHAHANDA | Firecracker zones sa Metro Manila, ipinatatakda na

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa mga barangay sa Metro Manila para sa pagtatakda ng firecracker zone.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, mabuting maaga pa lang ay matukoy na ang mga firecracker zone para maagang malaman ng taumbayan kung saan maaaring pagpaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Pinapayuhan naman ni Eleazar ang publiko na sumunod sakaling magpatupad ang total firecracker ban ang isang barangay o lungsod.


Facebook Comments