PAGHAHANDA | Halos dalawang libong enforcer, ipakakalat ng MMDA ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Halos 2,000 enforcer ang ipapakalat ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Semana Santa para pangasiwaan ang trapiko at umalalay sa mga magdadagsaan sa mga simbahan.

Pero ayon kay MMDA acting General Manager Jojo Garcia, hindi nangangahulugang wala nang huhulihin sa paglabag sa mga batas-trapiko, gaya ng yellow lane at anti-distracted driving act.

Kasabay nito, nagbabala si Garcia sa mga motorista laban sa mga nagpapanggap na enforcer ng kanilang ahensiya.


Aniya, may serial number ang kanilang ticket at kapag ibinigay sa motorista ay nilalagyan ng MMDA stamp sa kaliwang bahagi.

Dagdag pa ni Garcia, hindi maaaring kumpiskahin ng enforcer ang lisensiya ng motorista maliban kung nasangkot ito sa isang aksidente.

Facebook Comments