Manila, Philippines – Naghahanda na ang PNP Firearms and Explosives Office sa isasagawang anim na buwang gun amnesty.
Ito ay para sa mga gun owners na expired na ang mga lisensya ng baril at mga hindi rehistradong baril o mga loose firearms.
Ayon kay PNP FEO Director, Police Chief Superintendent Valeriano De Leon, hinihintay na lang niya ang approval ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde para ipatupad ang programa.
Sa ilalim ng bagong Firearms and Ammunition Law na RA 10591, maaring magpatupad ng gun amnesty pagkatapos ng anim na buwan na maaprobahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Giit ng opisyal nais nyang sa lalong madaling panahon ay maisagawa ang gun amnesty.
Sa database ng PNP FEO, ay may 1.8 Million na rehistradong baril.
Ngunit 600, 000 lamang ang nag-renew ng kanilang lisensya kaya at may P1.2 million na hindi nag-renew ng lisensya sa pagitan ng taong 2004 hanggang 2013.