Dalawang linggo matapos manalasa ang super typhoon Mangkhut, isa na naman malakas na bagyo ang hahagupit sa Japan.
Kung pagbabasehan kasi ang direksiyon na tinatahak ngayon ng bagyong Trami o Paeng, nakatakda itong mag-land fall sa Ryuku Islands, Okinawa at ang katimogang bahagi ng Japan bukas ng umaga.
Nasa category 5 ang super typhoon Trami ngunit humina ito. Pero malakas pa rin ito sa taglay na bilis na kilometers per hour sa kasalukuyan at posibleng lumakas pa habang papalapit sa Japan.
Inaasahan din na malakas ang dala nitong ulan.
Kung sa Pilipinas ay bahagya lamang ang naging epekto ng bagyong Trami o Paeng, inaasahan malaki ang pinsalang dala nito sa Japan.
Dahil dito pinag-iingat na ang mga residente ng mga lugar na tatamaan ng Bagyong Trami.