PAGHAHANDA KONTRA AFRICAN SWINE FEVER SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, TINALAKAY

Tinalakay sa naganap na information caravan ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang mga hakbang upang makaiwas sa african swine fever ang mga hog raisers sa San Fernando City, La Union.

Binigyang linaw sa aktibidad ang zoning at biosecurity levels ng ASF kabilang ang proteksyon ng mga alagang baboy mula sa naturang sakit.

Inaasahan na tataas ang kamalayan ng mga hog raisers, meat vendors at ng mga konsyumer sa sakit na African Swine Fever na patuloy pa ring kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Hinimok naman ng awtoridad ang pagtalima sa mga regulasyon at pakikipag-ugnayan sa Provincial Veterinary Office sa pagiging produktibo ng swine industry sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments