PAGHAHANDA | Line-up ng national team na sasabak sa 2018 Asian Games, binubuo na ng PBA at SBP

Manila, Philippines – Binubuo na ng PBA at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang line-up ng national team na sasabak sa 2018 Asian Games.

Magsisilbing pangunahing manlalaro ng Pilipinas naturalized center na si Andray Blatche kung saan kasama nito ang pito o walong players mula sa TNT Katropa, apat na miyembro ng Gilas Cadets at isang player na manggagaling sa Alaska Aces.

Ilan sa mga posibleng kuni sa Gilas Cadets ay sina Ricci Rivero, Kobe Paras at Bobby Ray Parks Jr. habang si Calvin Abueva o Carl Bryan Cruz naman ang manggagaling mula sa Alaska kung saan hindi pa naman malaman kung sinu-sinong players ng TNT ang kukunin.


Ipinaliwanag ni PBA Chairman Ricky Vargas na kaya maraming players ang manggagaling sa TNT ito ay upang mas madaling maayos ang schedule para sa PBA Governor’s Cup at Asian Games.

Dahil dito, isang koponan lamang ang kailangang isaayos ang schedule kumpara kung kukuha lahat ng main players sa bawat team ng PBA.

Magaganap ang Asian Games mula August 18 hanggang sa katapusan ng September, na kalagitnaan naman ng Governor’s Cup.

Facebook Comments