PAGHAHANDA | Mga government vehicles ng QC, ipagagamit sa Lunes kaugnay ng Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Handang ipagamit ng Quezon City Government ang mga sasakyan nito para sa eleksyong pambarangay at SK sa Lunes.

Ito ay mga buses, commuter vans, AUVs, multicabs na nakatalaga sa ibat-ibang departamento.

Sa isang memorandum na ipinalabas ng QC General Services Department, lahat ng government vehicles ay maaring gamitin sa pagbibiyahe ng transport ballot boxes, election forms, supplies, at iba pang election paraphernalia sa ibat-ibang polling centers sa lungsod.


Gagamitin ang mga government vehicles hanggang ganap na makumpleto ng mga election inspectors ang kanilang serbisyo.

Facebook Comments