PAGHAHANDA | Mga LGU, inatasan ng DILG na i-monitor ang kanilang komunidad ngayong Holy Week

Manila, Philippines – Inatasan ng DILG ang Local Government Units (LGU) na i-monitor ang anumang hindi kanais-nais na insidente sa kani-kanilang komunidad habang ginugunita ang Semana Santa.

Hinimok ni DILG-OIC Eduardo Año, ang mga local chief executives na i-convene ang kanilang local peace and order councils para sa action planning upang mapaghandaan lalo na ang dagsa ng tao na bumibiyahe sa iba’t-ibang lugar .

Mahalaga din aniya na maging proactive ang local peace and order councils at gawing prayuridad ang pangangalaga sa katahimikan, seguridad ng publiko at ang pagtiyak na may sapat na transportasyon at agarang serbisyong medikal sa panahong ito.


Ipinag utos din ng DILG sa mga LGUs na palakasin ang visibility ng traffic enforcers, barangay tanods, barangay peacekeeping action teams, public safety officers at force multipliers sa local at national roads; at ang deployment ng mga pulis sa crime-prone areas.

Facebook Comments