PAGHAHANDA | MMDA, nagpakalat ng sapat na bilang ng mga traffic enforcers, kasunod ng isinasagawang convoy dry run para sa annual meeting ng ADB na idaraos sa bansa

Manila, Philippines – Nagpakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 800 personnel para sa isinasagawang convoy dry run hinggil sa pagho-host ng bansa ng 51st Annual Meeting of the Asian Development Bank sa Mayo.

Ayon kay Celine Pialago tagapagsalita ng MMDA ang convoy ng mga sasakyan ay daraan sa iba’t-ibang pangunahing lansangan at kalsada mula 7 ng umaga hanggang 12 ngayong tanghali.

Sinabi pa nito na walang kalye ang isasara sa Metro Manila para sa dry run subalit nakakaranas na ng pag-antala o pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga apektadong ruta.


Alas 8:30 ng umaga nang umarangkada ang convoy mula ADB Headquarters hanggang EdSA Shangrila via Bank Drive

Apektadong ruta:
Bank Drive patungong Saint Francis Street

Pangalawang Scenario: Pagbyahe mula Edsa Shangri-La hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 para mag-simulate ng departure scenario sa ganap na 9:15 ng umaga

Apektadong ruta:

Edsa Shangri-La, patungong St. Francis Street, Shaw Boulevard, Edsa, South Luzon Expressway, Skyway, NAIA Expressway, Imelda Avenue

Ikatlong Scenario: Pagbyahe mula NAIA terminal 1 hanggang Joy-Nostalg Hotel sa ganap na10:30 ng umaga

Apektadong ruta:
Imelda Avenue patungong NAIA Road, NAIA Expressway, Skyway, SLEX, Edsa, Guadix, ABD Avenue

Ikaapat na scenario: entrance sa ADB main driveway sa ganap na 11:30 am

Bussing/Debussing sa ADB Main Driveway.

Ang Guadix Drive, mula Edsa hanggang ADB Drive, ay magiging one-way pagdating ng convoy at magpapatupad rin ng stop and go schemes sa ruta ng convoy.

Facebook Comments