PAGHAHANDA | NCRPO, tiniyak ang seguridad ng mga poll precinct

Manila, Philippines – Nag-iikot si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Camilo Cascolan kasama si Southern Police Director Chief Tomas Apolinario sa ilang COMELEC checkpoint sa bahagi ng katimugang bahagi ng Metro Manila kagabi.

Manila, Philippines – Sinuyod ang Baclaran, sunod ang Protacio Corner Zamora St. Pasay City at ang Paranaque City.

Ayon kay NCRPO Chief Director Cascolan, gusto niyang matiyak ang seguridad para sa Barangay at SK Elections.


Hindi lang sa southern part ang susuyurin ni Cascolan, maging ang iba pang bahagi ng kalakhang Maynila.

Samantala, sinabi pa nito na mamaya ay magsasagawa rin sila ng inspeksyon para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang halalan.

Facebook Comments