Manila, Philippines – Nagsagawa ng pre-disaster risk assessment ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para mapaghandaan ang inaasahang pagpasok sa teritoryo ng bansa ng super typhoon Mangkhut.
Pinangunahan ng Office of the Civil Defense (OCD) ang pagpupulong kung saan nilahukan ito ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na responsable sa pagresponde sa mga sakuna.
Kabilang na rito ang PAGASA, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dito ay inalerto o pinaghahanda ng NDRRMC ang lahat ng posibleng maapektuhan ng naturang super typhoon.
Samantala, naglaan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1.7 bilyong halaga ng standby fund, pondo sa pagkain at non-food items bilang paghahanda sa pagpasok sa bansa ng super typhoon Mangkhut bukas (September 12).
Habang nag-convene naman ang emergency telecommunications cluster para talakayin at tiyakin na mananatiling operational ang mga linya ng komunikasyon kapag pumasok na ito sa PAR.