Paghahanda ng Cauayan City sa CAVRAA 2019, Puspusan na!

Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan na ng Lungsod ng Cauayan ang pagsasanay sa mga atletang ilalaban sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2019 sa buwan ng Marso.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Jonathan Medrano, Cauayan City Sports Development Officer nagsimula na kahapon ang opening ng kanilang in-house training para sa mga napiling atleta kaya’t abala na ngayon ang kanilang tanggapan.

Malaki naman ang kanilang paniniwala na makakamit ng Lungsod ng Cauayan ang mas mataas na antas ngayong paparating na CAVRAA 2019.


Kaugnay nito, nagkaroon ng konting problema kaya nahati sa tatlong pangkat ang gaganaping CAVRAA 2019 kung saan magkakahiwalay na ang mga gagawing aktibidad.

Ang unang pangkat anya ay magaganap sa Nueva Vizcaya, Santiago City at Lalawigan ng Quirino, pangalawang pangkat naman dito sa Isabela partikular sa City of Ilagan at dito sa Lungsod ng Cauayan habang sa Tuguegarao City, Cagayan at Batanes naman para sa pangatlong pangkat.

Samantala, itinalaga naman na maging opisina ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Cauayan City partikular sa ginagawang Sports Complex kung saan nakatakdang magiging punong abala sa gaganaping CAVRAA 2020.

Facebook Comments