Pasang-awa na grado ang ibinigay ng Teachers Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) hinggil sa paghahanda sa unang araw ng full implementation ng face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni TDC National Chairman Benjo Basas na mahirap sabihin na papasa ang DepEd kaugnay sa kanilang paghahanda.
Pero, sa Metro Manila naman aniya ay naging matiwasay ang pagpapatupad nito.
Samantala, sinabi pa ni Basas na patuloy nila kinakalampag ang DepEd na bilisan ang paghi-hire ng mga guro at pagpapatayo ng mga school buildings.
Una nang kinumpirma ng DepEd na naging maayos ngayong araw ang pagpapatupad ng 100% face-to-face classes sa bansa.
Facebook Comments