
Patuloy ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila laban sa posibleng pagtama ng “The Big One” o malakas na lindol sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito ng mga serye ng pagyanig na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Oktubre.
Kanina, nagsagawa ng Simultaneous Earthquake Drill ang Manila Health Department para sa city-wide disaster preparedness.
Layon nitong paigtingin ang emergency response protocols at masiguro na handang tumugon ang mga tauhan sakaling tumama ang malakas na lindol.
Nagsagawa naman ngayong hapon ng pagpupulong sina Manila Mayor Isko Moreno at ang Red Cross Manila para palakasin pa ang kahandaan ng lungsod.
Facebook Comments









