Paghahanda ng mga kinauukulang ahensiya sa pagpasok ng La Ñina, pinasisimulan na ni Defense Chief Gilberto Teodoro

Pinag-utos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang mga kinauukulang departamento at ahensya na may kaugnayan sa Task Force El Niño (TFEN), na simulan na ang paghahanda sa pagpasok ng La Niña phenomenon.

Ayon kay Sec. Teodoro, base sa datos ng PAGASA, marararanasan ang La Niña sa bansa sa buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.

Dagdag pa ng Defense chief na siya ring Chairperson ng Presidential Task Force on El Niño Response, nananatili parin ang mainit na panahon sa kabila ng paghina ng El Ñino.


Kaakibat nito, inihayag ni Task Force El Niño Spokesperson Communications Assistant Secretary Joey Villarama na patuloy pa ring magiging kritikal ang mga huling linggo ng Mayo partikular na sa usapin ng water, energy, at food conservation.

Facebook Comments