Pinaghahanda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa pagdagsa ng mas maraming bakuna sa bansa kontra COVID-19.
Kasunod ito ng inanunsiyo na gobyerno na aabot sa 40 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang darating sa Pilipinas.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangan na ngayon pa lamang ay gumagawa na ng paraan at programa ang mga LGUs upang tanggapin ang bakuna ng Pfizer.
Muli namang ipinaalala ng kalihim ang temperature requirement ng Pfizer ay -80 degree Celsius upang hindi masira ang bakuna.
Sa ngayon, itinanggi ng Department of Health (DOH) na ang Davao City ang nakakuha ng pinakamalaking suplay ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Giit kasi ni Health Undersecretary Abdullah Dumama Jr., ang Davao at Cebu ay parehong nakatanggap ng 210,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.