Paghahanda ng PNP Jones sa Ligtas SumVac, Sinimulan Na!

84

Jones, Isabela – Sinimulan na ng PNP Jones, Isabela ang paghahanda sa Ligtas SUMVAC 2019 o ang paglalatag ng seguridad sa panahon ng Semana Santa at summer vacation.

Ito ang ibinahagi ni P/Capt. Fernando Malllilin, Hepe ng PNP Jones sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya sa programang Straight to the point.


Aniya, layon nitong matiyak na ligtas at payapa ang pagdiriwang ng mga mamamayan sa kanilang mahabang bakasyon.

Ayon pa kay P/Capt. Malllilin, tututukan ng kanyang grupo ang mga kalsada, matataong lugar at babantayan ang mga ruta ng mga magbabakasyon.

Magtatalaga rin ang kanyang grupo ng Police Assistance Desk upang mas mabigyan ng seguridad ang mga tao lalo ang mga dayuhan.

Bukod rito, magkakabit rin sila ng mga tarpaulins at patuloy na pag-iikot sa mga ilog at kalsada upang paalalahanan ang mga tao hanggang matapos ang Semana Santa.




Facebook Comments