Manila, Philippines – Nasa red alert status na ngayon ang operation center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) paghahanda sa epekto ng bagyong Josie na sinabayan ng habagat.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, mismong iniutos ni Civil Defense Administrator USEC Ricardo Jalad ang pagtataas ng alerto.
Layon aniya nitong matiyak na maibibigay ng National Government sa pamamagitan ng mga ahensyang miyembro ng NDRRMC ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng epekto ng bagyong Inday at habagat.
Una nang nagtaas na ng alerto ang Office of Civil Defense (OCD) ng Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa ang rehiyon ang tumbok ngayon ng bagyong Josie.
Facebook Comments