Manila, Philippines – Ilalatag ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operational plan sa susunod na linggo.
Ito ay kaugnay sa pagsisimula ng pasukan sa mga eskwelahan sa buong bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, template o nakahanda na ang mga ilalatag nilang mahigpit na seguridad sa pasukan katulad ng ipinatupad nilang seguridad sa nakalipas na Barangay at Sanggunian Kabataan Election.
Aniya alam na nila kung ilan at saan ang mga critical areas kapag ganitong balik eskwela.
Bilang bahagi naman ng ipatutupad na mahigpit na seguridad sinabi ni General Albayalde na maglalagay sya ng 2 pulis sa Baway Police Assistance Desk sa pagsisimula ng school year 2018 hanggang 2019.
Hindi naman ibinababa ng PNP ang kanilang alerto dahil ayon kay General Albayalde naka-full alert sila hanggang sa pag bubukas ng klase sa susunod na buwan.