Manila, Philippines – Naghahanda na ang Department of Transportation (DOTr) para sa matiyak ang ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero sa papalapit na Undas.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade – inatasan na niya ang lahat ng sectoral offices at attached agencies nito na mag-‘heightened alert’ para masigurong lahat ng measures ay naka-set na para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga driver at pasahero.
Ilulunsad din ng DOTr ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018’ na ipatutupad mula October 27 hanggang November 5.
Sa ilalim ng programa, iba’t-ibang transport agencies ang aatasang magpatupad ng 24-oras na operasyon.
Lahat ng passenger booths at counters ay dapat ding bukas para mabawasan ang sobrang mahabang pila.
Pinatitiyak ding lahat ng linya ng komunikasyon ay bukas 24/7.
Lahat ng public advisories kabilang ang safety tips, mga karaniwang violations sa mga expressway at safety and security regulations sa mga paliparan, pantalan at iba pang transport terminals ay i-i-isyu.
Inaasahang dadami ang bilang ng mga uuwing pasahero sa mga probinsya simula sa susunod na linggo.