PAGHAHANDA | Oplan saklolo ng PNP MIMAROPA, pinagana na

Manila, Philippines – Activated o pinagana na nang Police Regional Office MIMAROPA ang kanilang oplan saklolo bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Domeng.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Superintendent Imelda Tolentino, iniutos mismo ni MIMAROPA Regional Director Police Chief Superintendent Emmanuel Licup sa lahat ng unit commanders ang activation ng oplan saklolo.

Direktiba rin ni Licup sa mga unit commanders ang prepositioning ng mga disaster response troops, mga equipment at supplies maging ang search and rescue assets sa mga disaster prone areas.


Layon nitong agad na mabigyan ng tulong ang mga pamilyang lubhang maapektuhan ng bagyong Domeng sa MIMAROPA

Batay sa ulat ng NDRRMC, bagamat hindi inaasahang magla-landfall ang bagyong Domeng makakaranas ng malakas na pagulan ang mga lugar sa MIMAROPA at Western Visayas simula Huwebes.

Facebook Comments