PAGHAHANDA | Pacquiao, sasabak sa 6 round sparring sessions ngayong araw

Manila, Philippines – Sasabak sa anim na rounds ng sparring session ngayong araw si Pinoy champ Manny Pacquiao.

Kasunod na rin ito ng pahinga ng fighting senador kahapon matapos na tumakbo ng 72 rounds sa basketball court at nag-sprinting.

Ayon kay Head Coach Buboy Fernandez, Martes pa nang mag simula ang sparring sessions kung saan apat na rounds ang una nilang nagawa kasama ang spar mates ni Pacquiao na sina Arnel Tinampay at Australyanong si George Kambosos.


Dahil nasa heavy training na, kinokontrol na umano nila ang pagkokondisyon kay Pacquiao.

Facebook Comments