PAGHAHANDA | Paghuli sa mga smoke belching na sasakyan, responsibilidad na rin ng I-ACT

Manila, Philippines – Hindi na lamang panghuhuli ng mga pasaway sa batas trapiko ang magiging trabaho ng Inter-Agency Council on Traffic.
Kasama na rin sa responsibilidad ng I-ACT ang panghuhuli ng mga sasakyan na nagbubuga ng maiitim na usok.
Pangungunahan ng LTO ang operation sa apat na identified areas, EDSA, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue at Marcos Highway.
Iisyuhan na ng subpoena ang mga mahuhuli at sapiliitang isasailalim sa road worthiness sa ilalim ng Motor Vehicle Inspection service.
Ito ay bilang paghahanda sa inisyal na pagpapatupad ng PUV Modernization Program sa bansa, alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments