PAGHAHANDA | Paglalagay ng evacuation center, dapat ng pag-aralan – DOST

Inihayag ngayon ni DOST Undersecretary Renato Solidum kailangan pag-aralan ng mabuti ang paglalagay ng mga evacuation center para maiwasan na marami ang mga casualties sakaling tumama ang mga malalakas na bagyo sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni Solidum ilan sa mga evacuation center ay nasa linya ng fault lines kaya dapat maiwasan upang hindi mapahamak ang mga Pilipino.

Paliwanag pa ng opisyal maraming mga kalamidad ang dumarating sa ating bansa kaya dapat masusing pag-aaralan ang pangmatagalang solusyon.


Giit ni Solidum, lumikha na ang gobyerno ng TWG para lamang sa naturang sitwasyon dahil bagaman at aniya madalas nagsasagawa ng earth quake drill ang mga ibat-ibang ahensiya ng gobyerno pero sa aktwal na pangyayari posibleng iba ang magaganap sa pinanagangambahang “The Big One”.

Facebook Comments