PAGHAHANDA | Pangulong Duterte, magsasagawa ng rehearsal ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang isagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Rehearsal ngayong araw bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA) bukas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – inaasahang ilalatag ng Pangulo ang mga mahahalagang ulat sa kanyang ikatlong taon na pamumuno.

Nakasentro ang SONA ng Pangulo sa mga napagtagumpayan at magiging plano ng kanyang administrasyon sa susunod na 12 buwan.


Asahan din ng publiko na ang SONA ng Pangulo ngayong taon ay continuation ng kanyang dalawang nagdaang SONA.

Una nang sinabi ng Malacañan na ang talumpati ng Pangulo na inaasahang aabot ng hindi hihigit sa 35 minuto.

Nabatid noong nakaraang taon, umabot ng dalawang oras ang SONA dahil sa pagbaling ng Pangulo sa kanyang script.

Facebook Comments