PAGHAHANDA PARA SA 2025 DRY SEASON, SINIMULAN NA!

CAUAYAN CITY – Sinimulan na sa probinsya ng Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, at Apayao ang paghahanda para sa darating na 2025 Dry Season (DS).

Ang nasabing paghahanda ay sa ilalim ng RCEF Seed Program ng Department of Agriculture – Philippine Rice Institute (DA-PhilRice).

Kasama sa aktibidad ang pagtalakay sa mga paraan o hakbang para sa pagpapatuloy ng naturang programa.


Ipapatupad din ang “No Capping” ngayong 2025 Dry Season kung saan walang limitasyon ang binhing makukuha ng mga benepisyaryo depende sa lawak ng kanilang palayan.

Dinaluhan ng mga provincial, municipal, at city agriculturist at focal persons, maging iba’t ibang partner agencies ng kagawaran ang naturang aktibidad.

Facebook Comments