
Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maayos pa ang operasyon ng lahat ng transmission line facilities sa mga lalawigang nakararanas na ng hagupit ni Bagyong Uwan.
Ayon sa ahensya, nanatiling activated ang kanilang Overall Command Center (OCMC) habang patuloy na mino-monitor ang pagdaan ng naturang bagyo.
May mga nakalatag na rin silang paghahanda upang maibsan ang epekto ng bagyo.
Sinuguro rin ng NGCP na may sapat silang communications equipment, hardware materials, at mga suplay na kakailanganin sa pagkumpuni ng mga masisirang pasilidad.
Samantala, nanumbalik na ang power transmission operations sa Visayas na naapektuhan ng Bagyong Tino.
Facebook Comments









