Paghahanda para sa huling SONA ni Pangulong Duterte, puspusan na

38

Ilang araw bago ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay puspusan na ang ginagawang paghahanda sa Batasang Pambansa.

Kabilang dito ang pagsasaayos ng mga pasilidad habang nakalatag na rin ang mga red carpet na daraanan ng Pangulo at ng mga magiging bisita sa Batasan Complex.


Kasunod niyan, inaayos na rin dito ang mga upuan para matiyak na masusunod pa rin ang health protocols at nagsasagawa na rin ng disinfection.

Inaasahang nasa 350 lamang ang papayagang dumalo sa mismong araw ng SONA sa Lunes, Hunyo 26.

Samantala, kahapon ay nagsimula na rin ang rehearsals ng Pangulo at naisapinal na ang kaniyang magiging talumpati ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Facebook Comments