Unti-unti nang nararamdaman ang diwa ng Pasko sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan habang puspusan na ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga paghahanda para sa holiday season.
Sa San Nicolas, nagsagawa ng initial coordination meeting ang lokal na pamahalaan para sa itatayong Christmas in the Park 2025.
Lumahok dito ang mga tanggapan ng Engineering, Human Resources, Tourism, Economic Enterprise, Business Licensing, Utility, at Electrical teams, katuwang ang isang landscape at art designer.
Samantala, maagang pinailawan ng Bugallon ang kanilang Christmas Lighting Ceremony, habang tampok naman sa iba’t ibang bayan ang makukulay na Christmas Bazaar na dinarayo na ng mga mamamayan.
Sa ganitong mga inisyatiba, unti-unti nang sumisindi ang diwa ng Pasko sa buong lalawigan.









