Paghahanda para sa limited face-to-face classes, tinatalakay ngayon sa Senado

Tinatakakay ngayon ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senator Win Gatchalian ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan kaugnay sa pagsasagawa ng pilot test ng limited face-to-face classes.

Ayon kay Gatchalian ito, ay kasunod ng paglagda ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) sa joint circular ng limited face-to-face classes kung saan pipili ng 120 mga paaralang lalahok para sa dry run na tututukan at susuriin sa loob ng dalawang buwan.

Ayon kay Gatchalian, ang unti-unti pagbabalik sa face-to-face classes ay isang mahalagang hakbang upang makabalik sa normal ang ating sektor ng edukasyon.


Pero giit ni Gatchalian, sa pagpapatupad ng pilot test para sa face-to-face classes ay dapat tiyakin ng pamahalaan sa publiko na ginagawa ang lahat ng hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, mga guro at iba pang mga kawani.

Ayon kay Gatchalian, dapat ding suriin ang planong pagpapabakuna sa mga menor de edad sa Oktubre kaugnay ng unti-unting pagbubukas ng mga paaralan.

Facebook Comments