Monday, January 26, 2026

PAGHAHANDA PARA SA MANGO-BAMBOO FESTIVAL 2026 SA SAN CARLOS CITY, PUSPUSAN NA

Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod ng San Carlos para sa Mango-Bamboo Festival 2026 kasunod ng isinagawang coordination at planning meeting upang tiyakin ang maayos at ligtas na pagdaraos ng city fiesta.

Tinalakay sa pulong ang masinsinang pagpaplano ng mga aktibidad, kabilang ang mga hakbang sa crowd management, seguridad, at logistics upang matiyak ang maayos na daloy ng mga programa sa panahon ng pagdiriwang.

Kasama rin sa napag-usapan ang pagpili ng opisyal na logo ng City Fiesta na gagamitin sa mga kaugnay na materyales at aktibidad, na magsisilbing simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng lungsod.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang Mango-Bamboo Festival ay nagsisilbing plataporma upang itampok ang kultura at lokal na produkto ng San Carlos City, habang patuloy namang hinihikayat ang publiko na maghintay sa mga susunod na anunsyo kaugnay ng opisyal na iskedyul at detalye ng mga aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments