Isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) ang latag ng seguridad para sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, gaya ng mga nakalipas na SONA ng pangulo ay may template nang sinusunod ang pulisya para rito at magsasagawa sila ng mga kinakailangang adjustment kung kinakailangan depende sa sitwasyon.
Bagama’t walang seryosong banta sa seguridad na namomonitor ang Pambansang Pulisya, hindi pa rin magpapakampante ang PNP.
Sinabi pa ni Fajardo na sa bisinidad lamang ng Batasang Pambansa ang PNP dahil ang mangangasiwa sa seguridad sa loob ng Batasan ay ang Office of Seargeant at Arms maging ang Presidential Security Group o PSG.
Ani Fajardo, nasa 5,000 hanggang 6,000 ang mga pulis na kanilang ipapakalat sa bisinidad ng Kongreso kung saan idaraos ang ikatlong SONA ng pangulo.