Inilagay na sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa paparating na bagyong Ompong na nagdudulot ngayon ng habagat.
Ayon kay Philippines Coast Guard Spokesman Captain Armand balilo, inatasan na ang lahat ng coast guard district commander na tiyaking may nakaimbak na mga pagkain, fuel, kandila, flashlights at iba para sa panahon ng brown out.
Kailangan aniyang tiyaking ligtas ang mga floating assets at sakaling ma-damage dapat ihanda para sa rapid deployment sa karagatan man o sa lupa.
Sa ngayon ay pinapa-organisa na ang deployable response group at quick response team kasabay nito ang tagubilin sa mga coast guard district commander na i-monitor ang mga hazard area sa kabilang sakop at maging handa.
Mahigpit na tagubilin ng PCG na huwag magdalawang isip na ikansela ang paglalayag ng mga vessel lalo na kung malalagay sa panganib ang kaligtasan.
Gumamit aniya ng media sa pagbibigay ng babala at i-monitor ang mga lugar na tinatahak ng bagyong Ompong.