Manila, Philippines – Nakatakdang ilatag ng Philippine National Police (PNP) ang Operational Plan (OPLAN) nito para sa Balik-Eskwela sa bansa sa susunod na Hunyo 4.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, inatasan na sila ni Department of Interior and Local Government (DILG) na maglagay ng police assistance desk sa lahat ng paaralan sa muling pagbubukas ng klase.
Sabi pa ni Albayalde na may sinusunod silang panuntunan sa pagpapatupad ng seguridad sa pagbubukas ng klase, katulad ng sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Aniya, dalawang pulis ang itatalaga sa bawat police assistance desk na itatayo sa mga paaralan, at mas marami naman sa tinukoy nilang hot spots.
Facebook Comments