Manila, Philippines – Nakikipag-usap na ang pambansang pulisya kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim upang maging deputized sa pagmamando ng daloy ng trapiko partikular na sa kahabaan ng Edsa.
Ginawa ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pahayag sa annual meeting ng consular corps kahapon sa Makati City.
Ayon kay Albayalde nakahanda ang pwersa ng PNP upang umalalay sa pagmamando ng traffic sa Edsa.
Sa ngayon kasi tanging ang PNP-HPG ang deputized ng MMDA.
Wala aniyang problema sa kanila kung aagapay sila sa MMDA lalo na kung ito ang magiging solusyon sa napakabigat na daloy ng trapiko araw-araw.
Sa pinaka huling pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) nalulugi ang bansa ng halos P3.5 billion kada araw bunsod ng traffic.