Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Abril 9 at iba pang aktibidad.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao, mananatiling nakaalerto ang Pnp kaya asahan na ang mas mahigpit na seguridad sa mga susunod na araw.
Maliban rito, inihahanda na rin nila ang seguridad sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Mayo.
Facebook Comments