Manila, Philippines – Inilatag na ng Quezon City police District ang kanilang security preparation at traffic rerouting plan sa Commonwealth Avenue para sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.
Ayon kay QCPD District Director Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., may tatlong task group na bubuuin ang QCPD na ide-deploy sa Commonwealth Avenue para pangasiwaan ang seguridad sa hanggang Batasan Complex.
Sa araw ng SONA, lahat ng sasakyan patungo ng Fairview mula QC Memorial Circle maaari silang kumanan sa North Avenue, kakanan ng Mindanao Avenue o di kaya ay kumanan ng Visayas Avenue at kakaliwa ng Congressional Avenue o Tandang Sora at lalabas ng Mindanao Avenue.
Magtuloy tuloy na ito hanggang Old Sauyo Road, kaliwa ng Regalado Ave o Chestnut Street at tuloy sa Fairlane hanggang sa kanilang destinasyon.
Samanatala ang mga sasakyan naman mula Fairview patungo sa QMC, maaari silang kumanan sa Fairlane o Regalado Avenue.
Diretso lang sa Old Sauyo Road kaliwa ng Mindanao Avanue at tuloy tuloy na sa kanilang destinasyon via North Avenue o Visayas Avenue.
Lahat ng sasakyan patungo sa Batasan Complex mula sa QMC., maaari silang counter flow gamit ang zipper lane mula sa tapat ng home depot.
Matatapos ang counter flow at exit ng zipper lane sa Commonwealth Avenue sa harap ng Lido Restaurant patungo sa IBP Road.
Lahat naman ng sasakyan patungo sa Fairview bago ang Sandiganbayan ay maaari nang kumanan sa IBP Road East Bound diretso ng Batasang Pambansa
Pwedeng gamitin ang zipper lane sa opposite direction ng IBP corner Filinvest 1 at kumaliwa sa Batasan Complex gamit ang South gate.