Manila, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gumagawa na siya ng campaign ads.
Ito ay kahit wala pa siyang direktang sagot kung tatakbo ba siyang senador o tatanggapin ang bagong posisyong ini-aalok ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque – nitong weekend siya nag-shoot ng mga campaign ads.
Pag-aamin pa ni Roque – nagulat siya sa pahayag ng Pangulo na hindi siya mananalo sakaling tumakbo siyang senador sa susunod na taon.
Pero nilinaw ni Roque na wala siyang sama ng loob sa Pangulo.
Facebook Comments