Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 midterm elections.
Ito ay sa kabila ng inilabas na kautusan ng Korte Suprema kung saan pinagkokomento sila kaugnay sa petisyon na ibasura ang kontrata ng Comelec at ng Miru Systems Inc.
Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nagpapasalamat siya dahil hindi naglabas ng writ of injuction ang korte para ihinto ang ginagawang paghahanda sa halalan.
May 10 araw ang Comelec at ang Miru Systems para magkomento sa inihaing petisyon ni dating Congressman Edgar Erice dahil sa paglabag umano nito sa Automated Election Law particular sa proseso ng bidding.
Samantala, sa ngayon ay nahigitan na ng Comelec ang target na bilang ng mga bagong rehistradong botante na aabot na sa 3.2 million hanggang kahapon.