PAGHAHANDA SA BAKASYON | Mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA, bawal nang mag-leave hanggang sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Bawal na munang mag-leave ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang major ports simula ngayon hanggang sa matapos ang Semana Santa. Layon nito na matiyak na may sapat na tauhan sa mga paliparan sa pagdagsa ng mga pasahero ngauong Mahal na Araw. Sa Memorandum Order mula kay BI port operations division head Marc Red Mariñas, hindi na muna tatanggap ang BI ng mga aplikasyon para sa vacation at forced leaves mula March 20 hanggang April 15. Sa susunod na linggo kasi ay inaasahang magsisimula na ang pagdagsa ng mga pasaherong tutungo sa ibat ibang mga bansa.

Facebook Comments