PAGHAHANDA SA BANTA NG LOCAL TSUNAMI SA MGA COASTAL COMMUNITIES SA REGION 1, ISINUSULONG

Pinulong ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction Management Council mula sa mga lalawigan ng Pangasinan at La Union sa pagbabahagi ng mga pro-active measures upang paghandaan ang banta ng posibleng mga local tsunami.

Sa ilalim ng isinagawang Risk Reduction and Resilience Tsunami Ready Philippines: Tsunami Ready Community for Cluster, binigyang-diin ang nararapat na paghahanda lalong lalo na ang mga kabilang sa coastal communities.

Ibinahagi sa naturang aktibidad ang kaalaman ukol sa Tsunami Overview at mga epekto nito. Tinalakay din ang Tsunami Preparedness and its Natural Signs, Philippine Tsunami Information, Structural and Non-Structural Mitigation Measures at iba pa.

Mahalaga rin ang DOST-PHIVOLCS Information Tools tulad ng HazardHunterPH at REDAS (TsuSIM) upang malaman ang mga higit maapektuhan na mga lugar.

Isinalang din sa mga pagsasanay ang mga responders pagdating naman sa wastong pagtugon sakaling makaranas ng banta ng tsunami.

Patuloy ang paglulunsad ng mga seryosong hakbang na ibinababa sa mga komunidad sa anumang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments