PAGHAHANDA SA BANTA NG TSUNAMI, TATALAKAYIN NGAYONG ARAW

Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Civil Defense Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Northern Luzon ang pagpupulong para talakayin ang contingency measures sa harap ng posibleng banta ng tsunami kasunod ng serye ng offshore earthquakes sa Manila Trench 2.

Pangungunahan ni OCD at NDRRMC Executive Director USec Ariel Nepomuceno ang diskusyon kasama ang mga regional directors upang maglatag ng mga plano para sa agarang proteksyon ng mga coastal communities sa Regions 1, 2, at 3.

Ayon kay Nepomuceno, mahalaga at urgent ang nasabing pagpupulong dahil maaaring maapektuhan ng tsunami ang mga baybayin sa loob lamang ng 10 hanggang 20 minuto matapos ang isang malakas na lindol.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tamang pag-unawa ng publiko sa mga mensahe ng early warning systems upang maiwasan ang kalituhan at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Hinikayat din ni Nepomuceno ang mga residente na sumunod sa mga abiso ng kani-kanilang lokal na Disaster Risk Reduction and Management offices at alamin ang mga itinalagang tsunami evacuation centers sa kanilang lugar.

Patuloy na pinapaigting ang koordinasyon ng mga ahensya upang masiguro ang kahandaan ng bawat rehiyon laban sa anumang panganib na dulot ng tsunami.  |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments