Paghahanda sa El Niño at paglikha ng Department of Water, inihirit ng isang kongresista

Nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na gawing puspusan ang paghahanda para sa El Niño sabay giit sa kahalagahan na maitatag na ang Department of Water Resources.

Paliwanag ni Lee, kailangang paghandaang mabuti ng pamahalaan ang El Niño, na inaasahang makakaapekto sa industrial at agricultural development lalo na sa food supply tulad ng bigas.

Dagdag pa ni Lee, hindi ito ang una o huling pagkakataon na mahaharap tayo sa ganitong problema kaya sa pagbubukas muli ng Kongreso sa Lunes ay puspusan niyang isusulong ang panukalang lilikha sa Department of Water Resources.


Ito ang House Bill No. 2880 na inihain ni Lee noon pang August 1, 2022 sa layuning magkaroon ng epektibo at sustainable na water resources management program sa bansa.

Sabi ni Lee, nakapaloob din sa panukala ang pag-ipon sa tubig-ulan para masuportahan ang suplay ng tubig sa bansa.

Tinukoy ni Lee na ang paglikha ng Department of Water ay binanggit din mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address.

Facebook Comments