PAGHAHANDA SA EPEKTO NG BAGYONG CARINA, PINAGHAHANDAAN NA

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahandaan ng iba’t ibang pwersa ng pamahalaan ang posibleng epekto na dulot ng nararanasan ngayong Bagyong Carina.

Kabilang sa nakahanda na ay ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) ng 17th Infantry (Do or Die) Battalion.

Nasa dalawang team ng mga kasundaluhan ang nakahanda upang agarang makapagresponde sa mga maaaring maapektuhan ng nasabing bagyo.


Naka-preposition na ang mga kagamitan ng HADR team ng 17IB tulad ng rubber boat, life jacket, head protector, salbabida, tali, at iba pang magagamit para sa rescue operations.

Nagsagawa rin ng pakikipagpulong ang hanay ng 17IB sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cagayan upang pag-usapan ang iba pang hakbang na maaring isagawa upang paghandaan ang dulot ng sakuna.

Facebook Comments